Saturday, February 2, 2013

Disiplina ang Kailangan

Sa mga nakalipas ng taon, ang unang problemang kinakaharap ng ating bayan tuwing may kalamidad ay ang matinding baha at landslide. Mga pangyayaring hindi maiiwasan ngunit kaya nating paghandaan kung magkakaroon ng disiplina at pagkakaisa. San nga ba nagsisimula ang bahang ito? Hindi ba natin alam na ang mga ginagawa natin sa araw ay pwedeng maging epekto nito?



Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang madalas daanan ng bagyo dahil sa geographical location nito kaya isang normal na kaganapan sa mga Pilipino ang pag-ulan. Ang isang naging problema ay walang tigil na pagbaha sa tuwing may ulan, mahina man o malakas. Mga baradong estero at puno ng basurang daluyan ng tubig ang naging dahilan ng pagkakaroon ng baha. San nga ba ito nagmula? Sa araw araw na buhay ng tao hindi natin alintana ang disiplina, tapon ng basura kung saan saan. Ang basurang ating itinapon ay bumabalik sa atin tuwing may ulan. Basurang naging sanhi nga baha at sakit ng marami. Maraming epekto ang maling pagtatapon ng basura una: maraming Tao ang magkakasakit dahil dito, at Hindi lang sa ating kalusugan may malaking epekto pati na rin sa ating kalikasan maging mabaho at maitim ang ating mga yamang tubig na maging dahilan ng pagkamatay ng mg isda at halamang nakatira sa tubig, ang maling pagpapatapon basura ay maging dahilan rin ng malawakang pagbaha sa mg syudad dahil nabara ang mga imburnal dahil sa basura kaya dapat itapon natin sa tamang lalagyan para walang problema na darating.



1 comment:

  1. Thanks and credit to the owner of this video or documentation... Let's use this to waken-up everyone about the causes and affects of being irresponsible and mismanagement of our solid wastes. Let's work together to educate everyone, to "kalampagin mga nasa gobyerno" to take some action and massive solution. Prevention of totally disruption of Rivers, And massive Restoration... in addition click this link: http://renantecalpito.blogspot.com/2013/04/protect-our-water-resources.html

    ReplyDelete